Patuloy na pinalalawak ng Department of Agriculture Regional Field Office No. 02 (DA-RFO 02) ang merkado ng mga magsasaka matapos maihatid at maipagbili ang kabuuang 14, 014 kilong gulay mula Cagayan Valley hanggang Quezon City mula Marso 23 hanggang Abril 9, 2026 sa pamamagitan ng market linkage at food mobilization.

Sa tulong ng KADIWA trucks at mga lokal na pamahalaan ng Sto. Niño, Cagayan at Bambang, Nueva Vizcaya, agarang naidala at naibenta sa pamamagitan ng food mobilization ang mga ani ng mga magsasaka, kabilang ang repolyo, kamatis, ampalaya, sitao, talong, wombok, at sayote. Direktang naihatid ang mga produktong ito sa mga mamimili sa Cagayan at Isabela, gayundin sa Quezon City, na nagbukas ng mas malawak na pamilihan para sa mga prodyuser sa rehiyon.

Batay sa tala, 4,640 kilo ng repolyo ang naipadala ni Jerry Baltazar ng Sto. Niño, Cagayan sa mga mamimili sa Cagayan at Isabela noong Marso 23, habang karagdagang 6,000 kilo ng repolyo ang kanyang naihatid sa Quezon City noong Abril 6. Samantala, nakapagbenta ang Palusao Farmers Association mula sa Sto. Nino ng 1,000 kilo ng repolyo. Para naman sa sa Paraiso United farmers Association na mula sa Solana, Cagayan ay nakapagpadala ng iba’t ibang gulay tulad ng kamatis, ampalaya, sitao, at talong na may kabuuang 820 na kilo, na halos parehong naibenta noong Abril 7.

Nakapaghatid din ang mga magsasaka mula Bambang, Nueva Vizcaya sa pamamagitan ng Nueva Vizcaya Agricultural Terminal (NVAT) sa Cagayan at Isabela na mga buyers noong Abril 9, na nakapaghatid ng 720 kilo ng wombok at sayote, 646 kilo ng repolyo, at 188 kilo ng kamatis.

Sa gitna ng patuloy na hamon sa transportasyon dulot ng pagtaas ng presyo ng langis, naging mahalaga ang koordinadong aksyon ng DA-RFO 02 at mga katuwang na ahensya upang matiyak ang tuloy-tuloy na daloy ng suplay ng pagkain. Sa pamamagitan ng direktang pagbebenta sa ilalim ng KADIWA program, nabawasan ang pagkalugi ng mga magsasaka habang napabuti naman ang access ng mga konsyumer sa abot-kayang at dekalidad na gulay.

Naihatid ang mga produkto sa KADIWA stores, mga kooperatiba, at iba’t ibang tanggapan at other agencies particular ang pasilidad ng pamahalaan. Nakatulong ang inisyatibang ito upang mapanatili ang sapat na suplay ng pagkain sa kabila ng hamon sa transportasyon dulot ng mataas na presyo ng langis.

Binigyang-diin ng mga magsasaka na ang maayos na koordinasyon ng DA-RFO 02 at mga katuwang na ahensya ay mahalaga sa patuloy na pagpapalawak ng merkado, mula produksyon hanggang direktang pag-abot sa mga mamimili.

Istorya ni: Paul Buenavista