Itinanghal ng Department of Agriculture Regional Field Office 2 (DA RFO 2) ang mga matured technologies sa mga incubatees sa idinaos na Technology Promotion and Investment Forum (Tech Prove) ng Agribusiness and Developed Processed Products Technology Business Incubator (Adept TBI) nitong Pebrero 26–28, 2026 sa Robinson’s Tuguegarao.

Upang tulungan ang mga magsasaka na mabenta ang kanilang ani at para masolusyonan ang over supply ng kamatis dahil sa peak season nito, gumawa ang DA-NVES ng isang innovative product, ang Lemonade Gummy Matis. Isa itong kendi na gawa sa kamatis na may halong lemonada.

Ang mga raw materials na ginagamit sa paglikha nito ay nanggagaling sa mga FCAs na GAP certified. Unti-unti na itong ipinakikilala sa merkado at isa sa mga unang maging technology takers nito ang Cabagan Gifts.

“Magandang ideya ito. Lalo na at maraming bumibili sa coop namin. Makakatulong pa kami sa mga nagtatanim ng kamatis,” sinabi ni Ma. Nelia B. Talaue ng Cabagan Green Integrated Farm Tourism Society Agriculture Cooperative ( Cabagan GIFTS Agri-Coop).

Si Gng. David Sumajit ay recipient din ng matured technology na mushroom miki at mushroom Kropeck. Ang kanyang Pickled Mushroom ay naging New Product Idea sa 17th Padday Na Lima RTF noong August 7 – 13, 2023 at the Carousel Court, West Wing, Upper Ground Floor, Festival Mall, Alabang, Muntinlupa City.

Nagkaroon naman ng MOA signing sa pagitan ng DA RFO 2 at ang Central Isabela Agri Manufacturing Corporation (CIAMC) para Zero Energy Cooling Chamber (ZECC). Ito ay isang mababang halaga, eco-friendly, on-farm na istraktura ng imbakan na idinisenyo upang panatilihing sariwa ang mga prutas at gulay sa mas mahabang panahon nang hindi gumagamit ng kuryente.

Samantala, sa kanyang inspirational message, tinukoy ni Regional Executive Director Rose Mary G. Aquino ang kasalukuyang estado ng agrikultura sa Rehiyon 2, kung saan umabot na sa higit 100% ang sufficiency levels ng mga pangunahing produkto. “Ang mga surplus dito ay nangangailangan ng mahusay na marketing at processing strategies. Kayo ang susi para sa pagbabago,” aniya, at inilalarawan ang mga magsasaka bilang mga bayani ng bayan.

Isa sa mga pangunahing layunin ng Tech Prove ay ang “pitch and match” kung saan nagkakaroon ng pagkakataon ang mga magsasaka at processors na mag-usap at magtulungan. Isang hamon para sa mga organizers ay ang paglikha ng mga partikular na livelihood packages para sa mga maliliit na magsasaka, lalo na ang mga nagtatanim sa mga lupon na mas mababa sa 0.5 hektarya. “Dapat tayong magtaguyod ng crop-livestock diversification, dahil sa pagbabago ng klima,” dagdag ni Aquino.

Sa Tech Prove, binigyang-diin ni Aquino ang pananaw na ang agrikultura ay mas mabuting ituring bilang isang negosyo. Ang layunin ay ang 15% ng mga rehistradong magbubukid na may .5 ektaryang sinasaka mula sa Rehistradong Sektor ng Magsasaka at Mangingisda (RSBSA) ay makilahok sa mas malawak na pitch and match. “Hindi sapat na ang mga magsasaka ay umani lamang. Kailangan din nilang matutunan ang negosyo. Dito tayo tutulong para makamit ang dalawang Key Result areas ng DA: improved productivity and increased income,” ani Aquino, na nagbigay-diin sa pangangailangan ng mga magsasaka na magkaroon ng kaalaman sa marketing at iba pang aspeto ng negosyo.

Ang Tech Prove ay dinaluhan ng mga incubatees, processors, entrepreneurs at mga Local Government Unit officials.

 

Istorya mula kay: Dr. Ferdinand Cortez