Pinaigting ng #DARegion2 ang mas matatag na samahan at ugnayan ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan sa ginanap na kick-off celebration ng ika-10 anibersaryo ng DZDA 105.3 MHz FM, ang opisyal na himpilan ng radyo ng Department of Agriculture – Regional Field Office 02 (DA-RFO 02) na ginanap sa DA-RFO 02 Organic Training Hall noong Pebrero 19, 2026.
Mahigit dalawampu’t limang (25) na mga kawani mula sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan ang nagtipon-tipon upang bigyang pagkilala ang ambag at pakikipagtulungan ng bawat isa sa matagumpay na operasyon at paghahatid ng mahahalagang impormasyon ng naturang himpilan.
Higit pa sa pagbibigay ng impormasyong pang-agrikultura, aktibong nagtataguyod ang DZDA 105.3 MHz FM ng kapakanan ng mga magsasaka at mangingisda sa pamamagitan ng pagbibigay-kaalaman ukol sa kalusugan, kabuhayan, seguridad, at iba’t ibang serbisyong panlipunan ng pamahalaan.
Dumalo sa naturang kaganapan ang mga katuwang na ahensiya ng pamahalaan na patuloy na nakikipag-ugnayan at nakikipagtulungan sa DA-RFO 02, kabilang ang:
| AHENSIYA | PROGRAMA SA HIMPILAN |
| Department of Social Welfare and Development Region 2 | DSWD Dos on air |
| Philippine National Police Region 2 | Ratsada sa Umaga |
| Cagayan Valley Medical Center Region 2 | Tara usap tayo sa kalusugan |
| Department of Science and Technology Region 2 | Agham ni Angkuan |
| Cooperative Development Authority Region 2 | CDA on air |
| Philippine Statistics Authority Region 2 | PSA on air |
| Commission on Population and Development Region 2 | CPD on air |
| Philippine Information Agency Region 2 | Tipon-Tipan |
| Agricultural Training Institute Region 2 | Ugnayang ATI |
| Commission on Human Rights Region 2 | Usapang Human Rights sa CHR |
| Department of Health – Treatment and Rehabilitation Center Region 2 | Usapang Pangkalusugan |
| National Nutrition Council Region 2 | One Nation, One Nutrition |
| Philippine National Police Cagayan Police Provincial Office | Pulis Cagayan Aksyon Agad |
Dumalo rin ang mga attached bureaus at agencies na hinihikayat ng kagawaran na maging bahagi ng DZDA sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kanilang sariling programa:
- Bureau of Animal Industry Regional Office 02 (Veterinary Quarantine Service)
- Bureau of Plant Industry – National Seed Quality Control Services Region 02
- Bureau of Plant Industry – Plant Quarantine Station Region 02
- National Meat Inspection Service – Regional Technical Operations 02
- Fertilizer and Pesticide Authority
- Regional Agriculture and Fisheries Council 02
- National Dairy Authority – Northern Luzon
- National Food Authority Regional Office 02
- Philippine Crop Insurance Corporation Region 02
- Philippine Rice Research Institute Region 2
Sa pagharap sa mga susunod na taon, muling pinagtitibay ng DA-RFO 02 ang pangako na ang DZDA 105.3 MHz FM ay hindi lamang bilang midyum ng impormasyon, kundi bilang matatag na kaagapay sa pagsusulong ng kaunlaran at kapakanan ng bawat magsasaka, mangingisda , at iba pang tagapakinig sa Rehiyon Dos.
Samantala, maaaring ma-access ang mga programa ng DZDA 105.3 MHz sa website ng DA-RFO 02: https://cagayanvalley.da.gov.ph/dzda-programs/
Istorya ni: Castle Castillo
