Pumalo hanggang P31 kada kilo ang buying price ng palay sa Rehiyon Dos ngayong cropping season, ayon sa Department of Agriculture – Regional Field Office 02 (DA RFO 02).

Batay sa pinakahuling daily price index ng Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) ng DA RFO 02, patuloy na umangat ang average farmgate prices ng palay sa iba’t ibang lalawigan sa rehiyon.

Ang presyong ito ay direktang naranasan ng mga magsasaka na nakapag ani na sa probinsya ng Isabela at Nueva Vizcaya.

Sa Isabela, pumapalo sa P22 hanggang P26 kada kilo ang fresh palay, habang nasa P27 hanggang P31 kada kilo naman ang dry palay.

Sa Nueva Vizcaya, nasa P19.50 hanggang P24.50 kada kilo ang fresh palay habang walang naitalang bentahan ng dry palay sa kasalukuyang monitoring period.

Narito ang listahan ng mga bayan na maagang nakapag ani at nakabenta ng kanilng palay:

Province Fresh (Wet) Palay Price  Dry Palay Price  Municipalities/ Cities Recorded 
Isabela P22-P26 per kilo P27- P31 per kilo Cabatuan, Luna, San Mateo, City of Ilagan, Sta. Maria, Quirino, Alicia, Sto. Tomas, Tumaini
Nueva Vizcaya P19. 50- P24.50 per kilo Bagabag, Bayombong, Solano, Villaverde

 

Nakatulong rin sa positibong galaw ng presyo ang maayos na pagpapatupad ng planting calendar sa rehiyon. Sa pamamagitan ng organisadong schedule ng pagtatanim, naiwasan ang sabay-sabay na pag-aani na kadalasang nagdudulot ng labis na suplay at pagbaba ng presyo.

Samantala, batay sa pinakahuling datos ngayong Pebrero, sa Nueva Vizcaya ay umabot na sa 8,513.24 ektarya ang kabuuang lawak na naani, na may katumbas na 26,765.90 metriko toneladang produksyon. Sa Isabela naman, nasa 1,264.10 ektarya ang natapos nang anihin na may katumbas na 5,342.44 metriko toneladang ani.

Bagama’t hindi pa kabilang ang mga lalawigan ng Quirino at Cagayan sa hindi pa nagsisimula ang pag-aani, umabot na sa 9,777.34 ektarya ang kabuuang lawak na naani na may kabuuang produksyon na 37,335.28 metriko tonelada.

Province Area Harvested ( Ha)  Production (MT) 
Nueva Vizcaya 8,513.24 26,765.90
Isabela 1,264.10 5,342.44
Total (Quirino and Cagayan not yet included) 9,777.34 37,335.28

Ang mga hakbang na ito ay nakaangkla sa adbokasiya ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na naglalayong mapababa ang poverty rate, mapataas ang kita ng mga magsasaka, at higit pang mapatatag ang food self-sufficiency ng bansa.

Binigyang-diin ng DA RFO 02 na ang mahusay na pagpaplano ng produksyon at tuloy-tuloy na suporta sa mga magsasaka ay mahalagang hakbang upang mapanatili ang mas patas na presyo at mas matatag na kabuhayan para sa sektor ng palay sa Rehiyon Dos.

Istorya ni: Barby Balcita