Pinangunahan nina Regional Executive Director, Dr. Rose Mary G. Aquino, RTD for Research and Regulation, Kay Olivas, at RTD for Operations and Extension, Dr. Roberto Busania ang pagbabalik tanaw ng mga tagumpay ng Department of Agriculture Regional Field Office 2 (DA RFO 2) noong taong 2025 at ang mga pokus ng ahensya para sa taong 2026 sa panayam ng Usapang Agrikultura sa DZDA 105.3 Mhz FM nitong Enero 5, 2025.

Ayon sa pamunuan, sa kabila ng mga hamon at batikos, nanatiling tuloy-tuloy ang paghahatid ng serbisyo ng ahensya sa mga magsasaka sa pamamagitan ng makabagong inobasyon, teknolohiya, at pinalakas na kolaborasyon sa iba’t ibang sektor.

Isa sa mga pangunahing tagumpay noong 2025 ay ang pagkakaroon ng highest rice yielder sa rehiyon, na nagbahagi ng good practices bilang modelo sa iba pang magsasaka. Pinalakas din ang market linkages para sa mais, palay, gulay at prutas, na nagpalawak sa kita at oportunidad ng mga farm associations, kooperatiba at young farmers, kasabay ang pagdami ng investments sa agrikultura at partnerships sa local at probinsyal na pamahalaan.

Dagdag pa rito, patuloy ring isinasagawa ang mass orientation mula sa farmers’ associations patungong cooperatives, kasabay ng pagpapalakas ng Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA). Tinalakay rinang pagbabalik ng farm-to-market roads at ang mas malinaw na pagbibigay-diin sa marketing at enterprise development ng mga magsasaka hindi lamang pagbibigay ng farm inputs at machineries para sa pagsulong ng kanilang sustenableng kabuhayan.

Kasama rin sa mga ipinatupad na inisyatiba ang agri-tourism projects, pagtatatag ng community nurseries, backyard gardening, at ang pagpapatuloy ng Gulayan sa Bayan. Ipinagpatuloy din ang pamamahagi ng agricultural products bilang dagdag-kabuhayan, katuwang hindi lamang ang DA kundi maging ang iba’t ibang sektor ng komunidad.

Para sa 2026, layon ng DA RFO 2 na lalo pang palakasin ang partnerships sa mga lokal na pamahalaan, State Universities and Colleges (SUCs), mga kabataan at pribadong sektor; palawakin ang agribusiness ng mga kooperatiba; at ipagpatuloy ang mga programang magpapataas ng ani, kita, at kabuhayan ng mga magsasaka.

Ayon kay RED Rose Mary G. Aquino, ang taong 2025 ay isa sa pinakamalaking hamon para sa kanya, subalit naniniwala siya sa positibong hinaharap ng agrikultura.

Aniya, “…I see the good value and victory of agriculture in 2026.”

Ito ay magiging bunga ng tuloy-tuloy na pagtutulungan ng DA sa mga magsasaka ng rehiyon, na nagpapatibay sa sektor para sa mas masaganang agrikultura at maunlad na ekonomiya ng Cagayan Valley.

 

via: Aza-zel T. Erro