Matagumpay na naisagawa ang Turn Over Ceremony ng Community-Based Swine Breeding Facility sa ilalim ng Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion (INSPIRE) Program sa dalawang grupo ng magsasaka mula sa Cabagan, Isabela noong Disyembre 18, 2025.
Parehong tumanggap ang Dacque Farmers Agriculture Cooperative mula Barangay Tallag at Cabagan Dairy Producers Association mula Barangay San Antonio ng one unit Community-Based Swine Breeding Facility na nagkakahalaga ng Php 5, 500, 000.00 na pinondohan sa ilalim ng General Approciations Act 2022 – Livestock Program. Layunin nitong suportahan ang pag-unlad ng sektor ng agrikultura sa Cagayan Valley.
Nagpasalamat naman ang Chairman ng naturang asosasyon at kooperatiba sa natanggap na interbensyon na makakatulong sa kabuhayan ng kanilang grupo.
Binigyang-diin naman ni Dr. Roberto C. Busania, RTD for Operations and Extension na handing tumulong ang kagawaran sa pagpapalawak ng kanilang Negosyo sa pamamagitan ng isinasagawang market linkage ng DA – AMAD.
Istorya ni: Jackilou T. Tumaliuan
