Upang mapalawig ang Kadiwa Summit, nagsagawa ang DA RFO 02 ng orientation sa iba’t – ibang initiative ng rice program na binubuo ng Rice-for-All Initiatives, P29 Rice Project, at P20 Bigas Meron Na sa Robinsons Place Tuguegarao noong November 21, 2025.
Ipinaliwanag ni Ms. Jacquelyn Calaycay, Market Specialist II, na ang P29 Rice Project ay stock na binili ng Food Terminal Inc. mula sa National Food Authority. Ito ay mga stock na higit sa tatlong (3) buwan ang edad at ibinebenta sa ₱29/kilo para sa mga vulnerable sectors.
Binigyang-diin ni Ms. Calaycay na ang P20 Bigas Meron Na ay naglalayong magbigay ng abot-kayang bigas sa mga vulnerable sectors (4Ps, PWDs, senior citizens, at solo parents) kabilang ang minimum wage earners, rice farmers, farm workers, fisherfolk, jeerney at tricycle drivers, at teachers. Ang bigas na ibinebenta sa halagang Php 20 kada kilo ay galing sa buffer stock ng NFA.
Samantala, narito ang proseso sa mga nais magrequest ng P20 rice:
- Letter of Intent mula sa LGU o FCAs para sa Regional Executive Director (Pakiilagay ang contact person at contact number
- I-eendorso ng RED ang liham kay ASec Guevarra
- I-eendorso ni ASec Guevarra ang kahilingan sa Food Terminal Inc. (FTI)
- Makikipag-ugnayan ang FTI sa contact person at sa NFA
- Mag-iisyu ang NFA ng Authority to Release.
- Ang LGU o FCA ay kukuha ng bigas sa mga bodega ng NFA
- Selling Activity
- Remittance ng sales sa FTI
Inaasahan naman na magkakaroon ng 479 KADIWA Centers (karagdagang 370) sa katapusan ng 2025.
Istorya ni: Jackilou Tumaliuan
