Pinangunahan ng Adaptation and Mitigation Initiative in Agriculture (AMIA) Region 02 ang Global Warming and Climate Change Consciousness Month Celebration na may temang “Bagong Pilipinas, Bagong Bansang Matatag: Makabagong Kilusan para sa Klima at Kinabukasan” na dinaluhan ng mahigit 200 farmers sa DA- Cagayan Valley Research Center (CVRC) Annex, City of Ilagan, Isabela ngayong November 26, 2025.
Ito ay alinsunod sa Proclamation No. 1667, series of 2008, isang Philippine presidential issuance na nagdeklara sa November 19- 25, 2008, at taun-taon pagkatapos nito, bilang Global Warming and Climate Change Consciousness Week.
Layunin nitong pataasin ang kamalayan ng publiko ukol sa global warming at climate change sa pamamagitan ng malawakang information at educational campaigns.
Kaugnay nito, ipinaliwanag ni Mr. Karl Arian B. Fernandez, Regional CIS Specialist ang Agro-Climatic Advisory Portal (ACAP), isang website na nagsisilbing centralized hub para sa pag-develop ng Climate Information Services (CIS) sa Cagayan Valley. Ito ay naglalaman ng mga importanteng impormasyon tungkol sa panahon at klima na pwedeng gamitin sa pagbuo ng mga angkop na abiso at rekomendasyon para sa mga pananim.
Samantala, nakiisa ang mga magsasaka sa Pledge of Commitment Signing bilang tanda ng kanilang suporta sa climate action at panata na maging active agents na nangangalaga ng kanilang pananim lalong-lalo na ang kalikasan.
Patunay ang kaganapang ito na umulan man o umaraw, tuloy-tuloy pa rin ang paghahatid ng kagawaran ng mga serbisyong makakatulong sa mga magsasaka na maging mas matatag sa gitna ng pabago-bagong panahon.
