Kaisa ng Department of Agriculture Region 02 ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Labor and Employment (DOLE) sa pagdiriwang ng 3-day KADIWA Summit and Trade Fair na ginanap sa Robinsons Place Tuguegarao, November 19-22, 2025.

Pinangunahan ni Ms. Juliet Abalos, Regional Coordinator ng Walang Gutom Program ng DSWD Region 02 ang oryentasyon sa naturang programa kung saan ibinahagi niya ang layunin nitong bawasan ang kagutuman sa mga pamayanan na kabilang sa Philippine Action Plan for Nutrition (PPAN).

Layunin din ng program na himukin ang isang whole-of-nation approach sa pamamagitan ng pakikilahok ng Community-based Organizations (CBOs), SME, supermarket, KADIWA, at iba pang institusyon ng gobyerno bilang mga katuwang sa pagpapatupad ng programa.

Ibinahagi ni Ms. Abalos kung ano ang papel na ginagampanan ng mga FCAs at CBOs sa pagpapatupad ng Walang Gutom Program.

“Si FCA o CBOs, sila po ang nag-poprovide ng commodities na worth three (3) thousand pesos monthly,” saad niya.

Ipinaliwanag din niya ang proseso ng accreditation ng mga partner retailers na nagsusuplay ng pagkain sa kanilang monthly food redemption. Binigyang-diin niya ang mga requirements ng mga FCAs na gustong maging retailers na dapat rehistrado sa LGU, DTI/DA, BIR, SEC, CDA, mayroong bank account, operasyonal nang hindi bababa sa isang taon, at mayroong sapat na pasilidad para sa imbakan.

Samantala, ipinaliwanag naman ni Mr. Niño Galvez ng DOLE Region 02 ang DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) o Kabuhayan Program. Ito ay tulong-pinansyal para sa kabuhayan ng mga disadvantaged workers, para sa individual o group livelihood projects.

Narito ang program components na ipinaliwanag ni Mr. Galvez:

  • KABUHAYAN FORMATION

-Pagbibigay-kakayahan sa mga benepisyaryo ng programa na makapagsimula ng individual o group livelihood projects.

  • KABUHAYAN ENHANCEMENT

-Pagpapahusay o pagdaragdag sa existing livelihood undertakings para maging mas matatag at sustainable businesses na nagbibigay ng kita na maihahambing sa kinikita ng mga manggagawang tumatanggap ng minimum wa

  • KABUHAYAN RESTORATION

-Pagbibigay-kakayahan para sa re-establishment ng nawala o nasirang kabuhayan dahil sa mga natural o man-made disasters at calamities, o economic crisis.

Bukod dito, inilahad din niya ang mga eligible projects kabilang ang mga pagpapalawak ng kabuhayan sa off-farm/ non-farm sa mga rural agricultural economy. Pinaalalahanan niya ang mga magsasaka na tanging tractors, trailers, traction engines at iba’t-ibang uri ng makinang panghila na eksklusibong ginagamit para sa agricultural purposes ang maaaring pondohan.

Patunay ang kaganapang ito ng matatag na ugnayan ng DA Region 02 sa iba pang ahensiya ng gobyerno na patuloy na lumilikha ng mga magagandang oportunidad para sa ating mga magsasaka upang mapalago ang kanilang kita at mapaunlad ang kanilang buhay.

 

Istorya ni: Jackilou Tumaliuan