Bilang pagkilala sa mga natatanging bayaning magsasaka ng palay sa kanilang husay at dedikasyon sa pagsasaka, ginawaran ng DA Regional Field Office No. 02 ang sampung (10) indibiduwal mula sa probinsya ng Isabela. Ang bawat isa ay tumanggap ng tig-P10,000 agricultural inputs gaya ng binhi, abono, bigas, at iba pa.
Ang paggawad ng parangal ay isinagawa sa Provincial Farmers’ Congress bilang bahagi ng pagdiriwang ng taunang National Rice Awareness Month. Idinaos ito sa DA-Cagayan Valley Research Center Annex, Brgy. Baligatan, City of Ilagan, Isabela.
Samantala, nakatanggap naman ang iba’t ibang asosasyon ng magsasaka ng kabuuang P15,439,375 halaga ng agricultural inputs, farm equipment, at makinarya mula sa Climate Change-Adaptation and Mitigation Initiative in Agriculture (CC-AMIA), sa pamamagitan ng pondo ng Mainstreaming Climate Resilient Agriculture (MCRA).
Ang mga sumusunod ay mga pangalan ng magsasaka na pinarangalan, benepisyaryo ng CC-AMIA, at ang natanggap na tulong pang-agrikultura mula sa Kagawaran:
Outstanding Rice Farmer Heroes
- Jolina E. Rivera – P10,000 halaga ng agri. inputs
- Jesusa Rarangol – P10,000 halaga ng agri. inputs
- Nemesio Nastor – P10,000 halaga ng agri. inputs
- Emilio D. Mendoza – P10,000 halaga ng agri. inputs
- Miralie P. Mannag – P10,000 halaga ng agri. inputs
- Christian Paulo Magsino – P10,000 halaga ng agri. inputs
- Agapita Colcol – P10,000 halaga ng agri. inputs
- Mike Jimbo Baloran – P10,000 halaga ng agri. inputs
- Ludivico Balbin – P10,000 halaga ng agri. inputs
- Alfredo Acierto – P10,000 halaga ng agri. inputs
Associations of CC-AMIA Villages of Region 02
- Alay Kapwa sa Maluno Sur – P 2,098,000 halaga ng agri. inputs
- Nararagan United Farmers Association- P 1,012,000 halaga ng agri. inputs
- BP2 Matusalem Farmers Association – P 2,297,850 halaga ng agri. inputs
- BP2 Cabagan Association – P 328,000 halaga ng agri. inputs
- YEBAN Norte Active Members Organization – P 455,000 halaga ng agri. inputs
- San Jose San Mariano Livelihood Farmers Association – P1,130,000 halaga ng agri. inputs
- City of Ilagan BP2 and Farmers Association – P 697,522 halaga ng agri. inputs
- Reina Mercedes Climate Resilient Village Association – P737,384 halaga ng agri. inputs
- Maluno Norte Farmers Association – P 935,000 halaga ng agri. inputs
- Union BP2 and Farmers Association – P 5,748,619 halaga ng agri. inputs
Istorya ni: Julian Florague
