Dumalo ang mahigit 150 farmers at 20 exhibitors mula sa Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, at Quirino sa pagbubukas ng Regional Kadiwa Summit at Trade Fair sa Robinsons Tuguegarao noong November 19, 2025.

Pinasalamatan ni Regional Executive Director Dr. Rose Mary G. Aquino ang mga magsasaka, stakeholders, exhibitors, at mga institutional buyers na dumalo.

Natuto ang mga magsasaka sa isinagawang Sagip Saka Orientation to FCAs and Individual Suppliers at Orientation on Export Readiness Assessment for Mango and Ube. Nagkaroon din ng Business Opportunity on Ube Processing at Mango.

Iprinesenta rin ng mga institutional buyers tulad ng Weambard International Technology Inc, KLT Fruits, Inc., Nacho King!, Tosen Foods, Inc., at JAMLA Corporation ang kanilang Buyer’s Requirements.

Ibinahagi naman ng Nararagan United Farmers Association mula Ballesteros, Cagayan ang papasalamat sa Weambard International Technology Inc at KLT Fruits, Inc. dahil sa kanilang matagumpay na transaksyon upang maibenta ang kanilang mga dalandan. Nagpasalamat din sa Nacho King ang White Corn Growers Association ng Damurog, Alcala dahil malaki ang naitulong ng institutional buyer sa kanilang grupo.

Samantala, sa tulong ng DA- Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD), tumaas ang kita ng mga magsasaka dahil sa matagumpay na market linkage.

Ibinida rin ng Alfonso Castaneda Vegetable Growers Association mula Nueva Vizcaya at Tapao Agriculture Cooperative mula Quirino, ang kanilang Best Practices sa matagumpay na KADIWA Operations sa Region 02.

Hindi lang magsasaka ang nagbigay kulay at buhay sa naturang aktibidad. Bumida rin ang mga local products ng mga CagVal farmers sa Trade Fair kung saan itinampok din ang ipinagmamalaking Low Glycemic Index Rice ng DA Region 02 na mabibili sa murang presyo.

Nagtapos ang summit sa isang makabuluhang Business Matching/Networking Session sa pagitan ng mga FCAs at mga buyers.

Sinasalamin ng kaganapang ito ang patuloy na suporta ng kagawaran na matulungan ang ating mga magsasaka na mapataas ang kanilang ani, magkaroon ng market linkage, at ilapit ang access ng mga lokal na produkto sa mga consumers.

 

Istorya ni: Jackilou T. Tumaliuan