Pormal nang kinilala ang Batanes bilang “Organic Farming Practitioner Province” ng Department of Agriculture (DA) sa bisa ng Administrative Order 14 na nilagdaan ni Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. noong Oktubre 8, 2025. Ang pagkilalang ito ay ibinigay sa 18th National Organic Agriculture Congress sa Bacolod City, Negros Occidental nitong Nobyembre 17-21, 2025.
Ayon sa DA, ang Batanes ay kinilala bilang “organic by default” dahil sa matagal nang tradisyon ng mga Ivatan sa paggamit ng likas na pamamaraan sa pagsasaka. Ang unang probinsiyang itinanghal bilang Organic Farming Practitioner ay may 13,208.90 ektarya ng lupang sakahan na hindi nadapuan ng synthetic chemicals, at ang mga magsasaka ay eksklusibong nakatuon sa organic agriculture.
Ang pagkilalang ito ay inaasahang magpapalakat sa lokal na ekonomiya at magtataguyod ng agro-tourism sa Batanes. Ang DA ay magbibigay ng technical, financial, at market support sa probinsiya upang laksahin ang produksyon ng organic crops tulad ng luya, kamote, bawang at karne ng small at large ruminants. Dahil dito, ang Batanes ay ang unang probinsiya sa bansa na kinilala bilang Organic Farming Practitioner Province, at ito ay isang malaking hakbang tungo sa pagtataguyod ng sustainable agriculture at food security sa bansa.
Istorya ni: Ferdinand Cortez
