Masiglang sinalubong ng sampung (10) Indigenous Peoples’ Organizations (IPOs) mula sa apat (4) na probinsiya ng Rehiyon Dos ang selebrasyon ng Regional Indigenous Summit 2025 at Indigenous Peoples’ Rights Act (IPRA) Month Celebration na isinagawa sa Nueva Vizcaya Experiment Station nitong Oktubre 28-30, 2025.

Mahigit 80 Agta ang dumalo at lumahok sa mga technology demonstrations at cultural night na isinagawa ng Department of Agriculture Regional Field Office 02 (DA RFO 02) sa pamamagitan ng Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo (4k) Program.

Narito ang mga benepisyaryo na nakatanggap ng mga interventions mula DA RFO 02:

Cagayan

  • Gattaran
  • Agta Agkaykaysa Association
  • Gonzaga
  • Pasantaken Iti Atta Iti Gonzaga Association
  • Ana
  • Agta Diget Iti Palaui
  • Sanchez Mira
  • Atta Isigiran Association

Isabela

  • San Mariano
  • Mabegsak A Magsikaw Nga Agta iti Dibuluan Association
  • San Pablo
  • Agta Dupaninan Iti Sitio Magamut IPO
  • Dinapigue
  • Agdimaso – Agta Dinapigue Makapiya Organization

Quirino

  • Nagtipunan
  • Agta Tribal Organization

Nueva Vizcaya

  • Dupax Del Norte
  • Belance Bugkalot Tamuyan Farmers Association
  • Kayapa
  • Balangabang Agriculture, Fisheries and Forestry Association

Layunin ng naturang Summit na kilalanin, bigyang-boses, at patatagin ang ugnayan ng Kagawaran sa mga Katutubo at palakasin ang kanilang partisipasyon sa pagpapaunlad ng agrikultura sa rehiyon.

Sa kabilang dako, sa unang araw ng aktibidad, isinagawa ng DA-RFO 02 sa pamamagitan ng 4k Program Coordinators ang pagbibigay ng background at rationale ng mga asosayon, mga interventions na itinulong ng DA-RFO 02 sa mga benepisaryong IPs. Sinundan ito ng technology demonstration upang matulungan ang mga Katutubo na mapaunlad ang kanilang sakahan at pamumuhay.

Nasilayan ng mga Katutubo ang iba’t ibang makabagong teknolohiyang pang-agrikultura na makatutulong sa pagtaas ng kanilang ani. Kabilang dito ang paggawa ng fermented plant at fruit juice, paggamit ng biological control agents, paggawa ng silage para sa hayop, at pagtatanim ng open pollinated variety ng puting mais, gayundin, ang pagkakaroon ng talakayan at konsultasyon sa pagitan ng mga IP members at kinatawan ng DA-4k Program upang mapakinggan ang kanilang mga hinaing, mungkahi, at karanasan sa pagpapatupad ng mga interbensiyong hatid ng kagawaran.

Sentro rin ng kasiyahan ang Cultural Night, kung saan ipinamalas nila ang kanilang mga katutubong sayaw, awit, at kasuotan bilang pagpapamalas ng pagmamahal sa kanilang kultura.

 

Istorya: Mildred Alan