Alinsunod sa pambansang pagdiriwang ng Organic Agriculture (OA) Month sa bisa ng Presidential Proclamation No. 1030, series of 2015, kung saan ipinag-uutos ng Estado na palaganapin at paunlarin ang Organic Agriculture (OA) sa bansa, ang Department of Agriculture – Regional Field Office No. 2, sa pakikipagtulungan ng Agricultural Training Institute – Regional Training Center No. 2 (ATI- RTC 2), ay opisyal na binuksan ang 2025 Organic Agriculture Month Celebration Kick-off noong Oktubre 23, 2025, sa Robinsons Place Tuguegarao, Tuguegarao City, Cagayan.
Dinaluhan ito ng mahigit-kumulang 600 na mga magsasaka, na kinabibilangan ng humigit-kumulang limampung (50) Farmers’ Cooperative and Associations (FCAs) mula sa mga lalawigan ng Cagayan at Isabela, na naglalayong pagkaisahin ang mga organic farmers upang talakayin ang mga inobasyon, ibahagi ang mga best practices, at tuklasin ang mga oportunidad upang higit pang mapaunlad ang organic agriculture sa Region 2.
Isinagawa rin ang mga discussions at lectures sa pangunguna ng Cooperative Development Authority (CDA) upang hikayatin at bigyang-impormasyon ang mga magsasaka tungkol sa mga benepisyo ng pagiging isang rehistradong kooperatiba, gayundin ang pagsasagawa ng open forum session.
Kasabay din ng pagdiriwang ang pagsasagawa ng Regional Kabataang OA Quiz Bee sa pangunguna ng Agricultural Training Institute – Regional Training Center No. 2 (ATI-RTC 2) para sa mga college students na nag-aaral kaugnay sa larangan ng agrikultura mula sa iba’t ibang institusyon, kabilang ang Cagayan State University, Nueva Vizcaya State University, Isabela State University, at Quirino State University.
Samantala, bilang bahagi rin ng selebrasyon, tampok ang Kadiwa ng Pangulo na nag-aalok ng mga sariwang produkto na mabibili sa abot-kayang halaga, na tinutulungang maibenta ng mga lokal na magsasaka ang kanilang ani nang direkta sa mga mamimili.
Istorya: Castle Castillo
