Nakapagbenta ng tatlong (3) kaban o katumbas ng 150 kilo ng dry white corn sa halagang P28/kilo si Ginoong Arnel G. Asuncion mula Temblique, Baggao, Cagayan na may kabuuang halaga na P4,200.00 sa Alcala Fine Producers Cooperative (AFPC) mula Baculud, Alcala, Cagayan sa tulong ng isinagawang market linkage ng Department of Agriculture – Agribusiness and Marketing Assistance Division Region 02 (DA-AMAD R02) sa pamamagitan ng social media engagement noong October 1, 2025.

Kamakailan lamang ay nagcomment si Mr. Asuncion sa isang Facebook post ng DA Region 02 kung saaan ibinahagi niya ang pangangailangan ng buyer para sa kaniyang dry white corn produce. Bilang tugon, hiningi ni Regional Executive Director Rosemary G. Aquino ang impormasyon ukol sa kaniyang production area para maisagawa ang posibleng market linkage.

Kasunod nito, ipinag-utos ni Ms. Maria Rosario U. Paccarangan, Chief – DA AMAD si Mr. Edwin D. Dela Rosa, kawani ng AMAD na direktang makipag-ugnayan kay Mr. Asuncion upang matulungan siya sa pagbebenta.

Samantala, sa suporta ng DA – AMAD, matagumpay ang market linkage sa pagitan ng magsasaka at AFPC. Nagbigay din ang AMAD ng logistics support sa pamamagitan ng pagtulong sa transportasyon ng produkto mula Temblique, Baggao patungong Baculud, Alcala.

Sa tulong ng social media engagement, nagkaroon ng agarang akses sa merkado at kita si Mr. Asuncion habang pinapatatag ang ugnayan sa pagitan ng local producers at buyers sa Cagayan. Nakatulong din ang logistics support sa mas maayos na paghahatid ng produkto.

✍️ Jackilou Tumaliuan