𝐍𝐚𝐧𝐚𝐧𝐚𝐢𝐠 𝐧𝐚 𝐩𝐫𝐞𝐬𝐲𝐨 𝐚𝐭 𝐡𝐚𝐧𝐚𝐲 𝐧𝐠 𝐩𝐫𝐞𝐬𝐲𝐨 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐩𝐢𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐤𝐚𝐥𝐚𝐤𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐩𝐚𝐧𝐠-𝐚𝐠𝐫𝐢𝐤𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐚 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐧𝐠𝐢𝐬𝐝𝐚𝐚𝐧 𝐧𝐚 𝐦𝐢𝐧𝐨𝐦𝐨𝐧𝐢𝐭𝐨𝐫 𝐬𝐚 𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐦𝐢𝐥𝐢𝐡𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐥𝐨𝐨𝐛 𝐧𝐠 𝐑𝐞𝐡𝐢𝐲𝐨𝐧 𝐃𝐨𝐬 𝐡𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐎𝐤𝐭𝐮𝐛𝐫𝐞 24, 𝟐𝟎𝟐𝟓.
𝐃𝐢𝐬𝐜𝐥𝐚𝐢𝐦𝐞𝐫/𝐏𝐚𝐮𝐧𝐚𝐰𝐚:
Ang mga presyong nakasaad sa ibaba ng post ng Department of Agriculture – Agribusiness and Marketing Assistance Division – Regional Field Office 2 (DA-AMAD-RFO2) ay nai-base sa regular na pagmonitor ng umiiral na presyo sa iba’t ibang pamilihan at trading centers.
Ang mga ito ay ibinibigay bilang gabay para sa mga magsasaka, negosyante, mamimili, at iba pang stakeholder sa sektor ng agrikultura sa kanilang panahon ng pagbili at mga mahahalagang desisyon sa negosyo.
Ang mga presyo ay maaaring magbago depende sa suplay at demand, kondisyon ng panahon, gastusin sa transportasyon, at iba pang bagay na nakakaapekto sa pamilihan. Dahil dito, maaaring may pagkakaiba sa presyo sa bawat pamilihan sa rehiyon.
Bagaman sinisikap naming magbigay ng tama at napapanahong impormasyon, hinihikayat namin ang publiko na beripikahin ang mga presyo sa kanilang lokal na pamilihan bago gumawa ng anumang desisyon sa negosyo o pagbili.
