Tuguegarao City, Cagayan – Alinsunod sa inisyatibo ng pambansang pamahalaan na palakasin ang sektor ng agrikultura at mapataas ang ani at kita ng mga magsasaka, isinagawa ng Department of Agriculture – Regional Field Office 02 (DA-RFO 02) ang pamamahagi ng mga makinarya at kagamitang pansaka sa iba’t ibang samahan at kooperatiba sa lalawigan ng Cagayan noong Setyembre 8, 2025, sa Provincial Capitol Compund, Tuguegarao City.
Mahigit dalawampu’t tatlong (23)Farmers’ Cooperatives and Associations (FCAs) ang benepisyaryo ng proyekto mula sa tatlong distrito ng lalawigan. Kabilang dito ang pito (7) mula sa Distrito 1, sampu (10) mula sa Distrito 2, at anim (6) mula sa Distrito 3.
Narito ang mga kooperatiba na tumanggap ng agri-machineries at equipment:
Distrito 1:
- Alcala
- White Corn Growers Association
- Agani Multi-Purpose Cooperative
- San Esteban Farmers Cooperative
- Baggao
- Taguntungan Farmer Association
- Buguey
- Buguey Diversified Farmers agriculture Cooperative
- Gattaran
- Sambayanan Cagayan valley Agriculture Cooperative
- Sunrise Multi-Purpose Cooperative
Distrito 2:
- Ballesteros
- Nararagan Valley Multi-Purpose cooperative
- Sanchez Mira
- Masisit Dacal Livelihood Cooperative
- Pamplona
- Masi
- Abbangkeruan
- Piat
- Apayao Piat Agriculture Cooperative
- Lasam
- Agdidinnangngay Farmers Association (3)
- Sicalao Lasam Agriculture Cooperative
- Penatuca Agrarian Reform Community Cooperative
Distrito 3:
- Solana
- Cagayan Seed Producers MPC
- Solana West Farmers Cooperative
- Bantay Farmers Agrarian Reform Beneficiary
- Iguig
- San Isidro
- Enrile
- Inga Farmers Association
- Magalalag West Lanna
Samantala, pinangunahan ni Regional Executive Director Rose Mary G. Aquino ng DA-RFO2, kasama sina Gobernador Egay Aglipay at Bise Gobernador Manuel Mamba ang nasabeng aktibidad. Dumalo rin ang mga kinatawan mula sa lokal na pamahalaan at mga bayan sa Lambak ng Cagayan bilang suporta sa layunin ng programa.
Layunin ng pamamahagi na ito ang pagpapataas ng produksiyon at ani, pagpapalakas ng mekanisasyon sa agrikultura, pagbabawas ng gastos sa produksiyon, pagpapalago ng kita ng mga magsasaka, at higit sa lahat, ang pagtitiyak sa seguridad sa pagkain ng rehiyon.
Kasabay ng aktibidad, inanunsiyo din na umabot sa P1,578,932,192.00 ang kabuuang halaga ng mga proyektong naipagkaloob sa Provincial Local Government Unit (PLGU), mga Municipal Local Government Units (MLGUs), at Farmers’ Cooperative and Associations (FCAs), sa ilalim ng Production Support Services, habang P33,699,000.00 naman sa ilalim ng Agricultural Machinery, Equipment, Facilities, at Infrastracture Projects (AMEFIP).
Kaugnay nito, ang naturang pamamahagi ay patunay na patuloy ang pakikipagtulungan ng Department of Agriculture sa lalawigan upang maisulong ang inklusibong pag-unlad ng agrikultura sa rehiyon sa ilalim ng mga pangunahing programa ng kagawaran.
Istorya: Mildred Alan
