Kahapon – Sa gitna ng banta ng Bagyong ‘Nando’, mahigit 500,000 ektarya ng pananim sa Lambak ng Cagayan ang mahigpit na binabantayan ng Department of Agriculture Region 2, ayon kay Ginoong Paul Vincent G. Balao, Regional Corn Program Focal Person, sa naging panayam sa DZDA 105.3 FM Radyo Pangkaunlaran.
Ibinahagi ni G. Balao ang pinakahuling talaan ng standing crops sa rehiyon na maaaring maapektuhan ng bagyo:
– Palay (rice): 114,373.23 hectare (ha) nasa maturity stage; at 124,019.5 ha nasa reproductive stage; at 27,950.57 ha
– Mais (corn): 147,154.37 ha nasa maturity stage; 68,417.68 ha nasa reproductive stage; at 16,776.44 ha – vegetative stage
– High Value Crops (HVC): 25,227.41 ha – maturity stage; 34,798.54 ha reproductive stage; at 13,910.36 ha – vegetative stage
Ayon sa kanya, ang mga pananim na nasa reproductive at maturity stages, mga yugtong itinuturing na sensitibo at kritikal sa produksyon ng pananim kung sakaling tamaan ng malalakas na ulan at hangin dulot ng bagyo.
Tiniyak naman ni DA Regional Executive Director Dr. Rose Mary G. Aquino na nakahanda ang ahensya sa mabilisang pagtugon kung sakaling may mga naiwang pinsala at pagkalugi dulot ng Bagyong Nando, kabilang na rito ang Quick Respond Fund (QRF) at seed reserved. Maging ang pag-antabay ng DA-DRRM Operations Center (OpCen) sa iba’t ibang probinsya sa buong Lambak ng Cagayan.
Panawagan pa ng Kagawaran sa mga City/Municipal Agricultural Offices na makipag-ugnayan ito sa pag-update ng datos sa mga standing crops sa kanilang nasasakupan upang mai-report kaagad ang mga damage and losses sa kanilang mga taniman.
Istorya: Julian Florague
Layout: Erika Sophia Fiesta
