Sa Solana, Cagayan, naging higit na makulay at makahulugan ang pagdiriwang ng 174th Aggao na Solana sapagkat bukod sa paggunita sa kasaysayan at kultura ng bayan, nagsilbi rin itong pagkakataon upang ipakita ang matatag na suporta ng pamahalaan sa sektor ng agrikultura.
Bilang tampok na bahagi ng selebrasyon, isinagawa ang Agri-Ugnayan kasama sina Department of Agriculture Undersecretary at Chief of Staff Atty. Alvin John Balagbag, Regional Executive Director Rose Mary G. Aquino, at Regional Technical Director for Research and Regulations Ms. Kay S. Olivas, na naglalayong direktang makipag -ugnayan sa mahigit-kumulang tatlumpu’t (30) na mga meyembro ng Farmers’ Cooperative and Associations (FCAs) sa pangunguna ni Municipal Mayor Meynard “Jojo” Carag hinggil sa kanilang mga suliraning kinakaharap sa sektor.
Mula sa kanilang mga saloobin , inilatag ng DA ang mga plano at inisyatibo na sinusulong ni Pangulong Ferdinand “ Bongbong” Marcos Jr. at Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. kabilang ang pagtatayo ng solar-powered irrigation pump system, pamamahagi ng rice processing center, at pagtaas ng buying budget ng National Food Authority (NFA) para masiguro na mabibili sa tamang halaga ang kanilang produkto.
Bukod dito, tumanggap din ng farm assistance ang mahiit-kumulang siyam (9) na kooperatiba at asosasyon mula sa iba’t ibang barangay ng Solana, gayundin ang lokal na pamahalaan, na tinatayang umabot sa mahigit -kumulang tatlumpu’t – pitong (37) milyon kabilang ang:
- Four Wheel Drive Tractor
- Rice Packaging Machine
- Community Based-Swine Clustering Project- Clustering Facility
- One Unit Drying System
- One Unit Village Type Rice Mill
- One Unit Rice Combine Harvester
Para kay Atty. Balagbag, ang lahat ng ito ay hindi lamang programa o proyekto. Isa itong malinaw na pahayag ng pamahalaan na hindi nag-iisa ang mga magsasaka
“On behalf of the Department of Agriculture, we are doing what we can to ensure that we can provide for the farmers.’”
Ang 174th Aggao na Solana ay hindi lamang simpleng pagdiriwang ng kasaysayan at kultura. Nagsilbing ring plataporma para sA mas bukas na talakayan at pamamahagi ng nga kinakialangang interbensyon para sa mga magsasaka sa nasabing bayan, isang paalala na ang mga magsasaka ay nananatiling katuwang at prayoridad ng pamahalaan sa patuloy na pag-unlad ng sektor sa rehiyon dos.
Istorya: Castle Castillo
