Bilang suporta sa hangarin ng Department of Agriculture Region 02 (DA RFO 02) na gawing Ruminants Capital ang Cagayan Valley, matagumpay na naisagawa ang First Rodeo Beauty Pageant bilang bahagi ng kauna-unahang Beef Cattle Congress sa Qurino Experiment Station (QES) sa Dungo, Aglipay, Qurino.

Nilahukan ito ng walong (8) rodeo beauties na nirepresenta ang iba’t-ibang divisions at mga Research and Experiment Stations (RCES) ng kagawaran. Narito ang mga lumahok:

• Candidate 1: Famela Rose Baliuag – AMAD at ILD
• Candidate 2: Madonna Luis – FAD, RAFIS, ORED, at ORTD
• Candidate 3: Jan Trisha Sepanton – FOD at RAED
• Candidate 4: Danizze Adviento – PMED at PRDP
• Candidate 5: Joyce Marie Domingo – Research and Regulatory
• Candidate 6: Ian Jasper Maramag – CVRC at IES
• Candidate 7: Chlaryssa Vergara – SCRC at NCES
• Candidate 8: Maylyn Grace Abella – NVES, QES, at BES

Nabigyan ng pagkakataon ang mga kalahok na ipakita ang galing at talino sa pagsagot ng mga isyu at problemang kinakaharap ng sektor ng agrikultura sa kanilang Q and A portion na naturang rodeo pageant.

Itinanghal na Ms. Rodeo Fashion at Ms. Photogenic si Ms. Danizze Adviento habang Ms. Rodeo Talent naman si Ms. Maylyn Grace Abella.

Sa huli, namayagpag ang talino at galing ni Ms. Adviento ng PMED at PRDP matapos siyang tanghaling Ms. Rodeo Beauty 2025. Sinundan naman siya ni Ms. Chlaryssa Vergara ng SCRC at NCES na itinanghal na 1st runner up. Samantala, nasungkit naman ni Ms. Maylyn Grace Abella ng NVES, QES, at BES ang titulong 3rd runner up.

Samantala, sinasalamin din ng kompetisyong ito ang pagiging inklusibo ng DA Region 02 sa mga patimpalak kung saan nabibigyan ng pantay na pagkakataon ang kalalakihan at kababaihan na ipamalas ang kanilang tapang at galing sa mga Rodeo Competitions.

 

Istorya: Jackilou Tumaliuan