Isinagawa ang 2025 Roadmap Workshop for 2026–2030 ng Department of Agriculture, sa ilalim ng National Urban and Peri Urban Agriculture Program (NUPAP) Central Office, sa pakikipagtulungan sa NUPAP Region 2, na magbibigay ng prayoridad sa mga programa at proyekto para sa taong 2026–2030, alinsunod kay Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., na ang urban agriculture ay isang mahalagang estratehiya sa pagpapaunlad ng mga high-value crops at sa modernisasyon ng sektor ng agrikultura sa Pilipinas, noong Setyembre 1, 2025, sa Go Hotel, Tuguegarao City, Cagayan.

Nasa mahigit walumpu’t lima (85) na mga kalahok mula sa iba’t ibang rehiyon mula Region I hanggang XIII, NCR, CAR, NIR ang lumahok, na kinatawan mula sa stakeholders ng Department of Agriculture (DA), Regional Fleld Offices (RFOs) at Bureaus, Local Government Units (LGUs), State Universities and Colleges (SUCs), Civil Society Organizations (CSOs), Private sector, at Development partners.

Layunin nito na paunlarin ang urban at peri-urban agriculture sa buong Pilipinas sa pamamagitan ng pagtutulungan ng National Government Agencies (NGAs), State and Universities and Colleges ( SUCs) at iba pang mga sektor na dumalo, upang mapalakas ang seguridad sa pagkain, matiyak ang kaligtasan ng pagkain, at maisulong ang agrikultural na inisyatiba sa Urban at Peri Urban.

Ang nasabing workshop ay binubuo ng mga plenary sessions at breakout sessions, kung saan isasagawa ang mga focus group discussions (FGD) at mga presentasyon mula sa mga kalahok upang magkaroon ng epektibong ugnayan mula iba’t-ibang rehiyon at organisasyon, na magsisilbing susi sa pagbuo ng NUPAP Roadmap para sa 2026–2030.

Samantala, ang nasabing workshop ay isinagawa ng limang araw at nagtapos nito lamang Septyembre 5, 2025.

Istorya: Castle Castillo